Base sa report ng PNP Central Operations Center (COC), mula sa nasabing bilang, 1,267 dito ang naitalang Most Wanted Persons (MWP) habang ang may 1,174 ay pawang may warrant of arrest.
Nitong Marso lamang, ang PNP ay nakapagtala ng 59 indibiduwal na nahuli sa ibat ibang panig ng bansa kung saan 30 dito ay pawang nasa listahan ng MWP at ang 29 na iba pa ay pawang may arrest warrant.
Ang ilan sa mga pinakahuling naaresto ay ang umanoy lider ng kidnapping syndicate at ang tatlo niyang kasamahan sa isang operasyon sa San Pedro, Laguna.
Sa kaparehong period, may kabuuang 373 armas ang narekober ng pulisya kung saan ang 143 dito ay pawang mga high powered firearms at ang 230 ay mga low-powered firearms. (Ulat ni Angie dela Cruz)