Ayon kay Defense Sec. Avelino Cruz, patuloy ang pagpasok sa teritoryo ng bansa ang mga teroristang kasapi ng JI sa ilalim ng Al Qaeda network ni international terrorist leader Osama bin Laden.
"There are reports reaching me (about continuous arrival of JI members) but about this 26, there is none yet, there is no report that is reaching me," pahayag ni Cruz.
Nauna nang napaulat na may mga teroristang kasalukuyang nagtatago sa Mindanao upang magsagawa ng pagsasanay sa mga rebeldeng Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front (MILF)na umanoy umanib na sa grupo para mapalakas ang kanilang puwersa laban sa tropa ng pamahalaan.
Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Edilberto Adan na kasalukuyan na nilang bineberipika ang nasabing ulat.
"I dont know where that (report) came from, maybe the police. I am checking, I dont have the figures. I think its from the police. The report could be old but well check," ani Adan.
Sa panig ni AFP-Civil Relations Service Chief Brig. Gen. Jose Angel Honrado, sinabi nito na may mga JIs na nagsasagawa ng pagsasanay sa kanilang mga recruits sa Mt. Kararao sa Lanao del Sur pero wala pa umano sa data ng militar ang sinasabing karagdagang 26 na bagong sulpot.
Igiiniit ni Honrado na handa pa rin ang hanay ng AFP sa sinasabing pagdagsa ng mga JI terrorists at ngayon ay gumagawa na ng kaukulang hakbang ang hukbong sandatahan upang malipol ang mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)