Ayon kay Press Sec. at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, lahat ng Pilipinong manggagawa na nahaharap ng problemang legal sa ibayong dagat ay bibigyan ng tulong ng gobyerno.
Ito ay para matiyak na mabibigyan sila ng kaukulang proteksyon sa ilalim ng batas ng Malaysia o alinmang bansang kinaroroonan nila.
Sinabi ni Bunye na ang pamilya ni Nelson ay binigyang impormasyon na ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa kaso nito.
Si Diana ay pinatawan ng parusang bitay noong Enero 25 ng mababang korte ng Malaysia dahil sa pagdadala ng 508.6 gramong cocaine sa kanyang hand carried bag habang nasa paliparan ng Kuala Lumpur International Airport noong Agosto 22, 2002. (Ulat ni Lilia Tolentino)