Ito ang nakapaloob sa "Free Medicines for the Poor" na isinulong ni Iloilo Rep. Ferjenei Biron kung saan layuning mabigyan ng tulong ang mga pamilyang ang kinikita ay hindi lalampas sa P3,000 kada buwan.
Sinabi ni Biron na karamihan sa mga kababayan natin at namamatay sa sakit hindi dahil sa ang kanilang karamdaman ay walang lunas, kundi sa di nila makayanan ang presyo ng gamot na inirereseta sa kanila.
Nakasaad sa panukala ang pagtataglay ng Free Medicine Assistance Program, na pamamahalaan ng Dept. of Health (DOH) at sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magdedetermina kung ang isang recipient ay karapat-dapat na makinabang sa libreng gamot.
Maging ang mga senior citizens na ang buwanang kita ay hindi sapat upang makabili ng pangunahing pangangailangan ay maaari ring makinabang sa programang ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang mga district hospitals at mga health centers.
Upang matiyak na ang mga gamot ay mapupunta sa kuwalipikadong recipient, kailangang magsumite ang mga district hospitals at local health units ng quarterly reports sa DOH National Office. (Ulat ni Malou Rongalerious)