Sa 12-pahinang desisyon, sinabi nito na walang merito ang nasabing petition na isinumite ni dating Mayor Pablo Olivares laban kay Marquez at sa mga opisyal nito na sina City treas. Silvestre de Leon, Asst. City treas. Liberato M. Carabeo, City assessor Soledad S. Medina Cue at Asst. City assessor Jose Marleo del Rosario.
Base sa rekord ng korte, nagsumite si Olivares ng petition sa SC matapos na ibasura ng Parañaque Regional Trial Court ang kasong civil laban kina Marquez dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon na kuwestiyunin ang pinaiiral na paniningil ng buwis ng lokal na pamahalaang pang-lungsod.
Nauna rito, isang final notice ang tinanggap ng petitioner mula sa Office of the City Treasurer kung saan ipinaalam na sila ay hindi nagbabayad ng buwis kung kayat agad na sinagot ng pamilya Olivares at humiling na magkaroon ng imbestigasyon hinggil sa kanilang pagbabayad ng buwis.
Iginiit ng mga Olivares na pinagbabayad sila ng local na pamahalaan ng buwis sa mga properties na matagal nang wala o hindi na nila pag-aari habang ang iba naman ay mali umano ang computation na kanilang kinuwestiyon. (Ulat ni Grace A. dela Cruz)