Sa isinumiteng panukala ni Ifugao Rep. Solomon Chungalao, nakasaad dito ang mga sumusunod na kaparusahan: sa 1st offense, pagkabilanggo ng hindi bababa sa anim na buwan pero hindi lalampas sa dalawang taon at multang di bababa sa P20,000 at suspension ng lisensiya sa loob ng 6 buwan; 2nd offense, kulong ng 2-4 taon, multang hindi bababa sa P40,000; at 3rd offense, kulong na mula 4-6 taon, multang hindi bababa sa P80,000 at habambuhay na pagbawi sa lisensiya. Kung ang isang lasing na driver ay nasangkot sa isang sakuna at nagresulta ito sa pagkamatay ng isang tao, nahaharap ang suspek sa pagkakulong ng walang piyansa.
Kung nagresulta naman sa pagkamatay ng maraming tao, karagdagang multang P1-M sa bawat nasawi.
Masyado aniyang mababa ang kasalukuyang ipinapataw na parusa sa mga lasenggo at adik na driver kahit na ang mga ito pa ang naging sanhi ng aksidente at kamatayan ng mga biktima. (Ulat ni Malou Rongalerios)