Sa 11-pahinang resolusyon ng prosecution, ipinawalang-saysay nito ang kasong rape, attempted murder, serious illegal detention at paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ni Catherine Songco laban kay Cabangon Chua.
Sinabi ng DOJ na hindi applicable sa pangyayari o insidente sa isinaad ni Songco sa kanyang complaint affidavit kaya ibinasura ang kanyang reklamo.
Base sa rekord, sinabi ni Songco na ginahasa siya ng Ambassador noong 1987 nang magkasama ang mga ito sa Bahia bar sa Hotel Intercon sa Makati City.
Nilinaw ng prosecution na hindi kinakitaan ng panlalaban si Songco kay Cabangon Chua kung kayat malabo umanong magkaroon ng rape dahil nagkaroon pa ang dalawa ng apat na anak bunga ng kanilang matagal na pagsasama. (Ulat ni Grace dela Cruz)