Ayon sa DOE, mismong ang Honda accord na sasakyan ni Perez ay kinabitan ng Kahos Super Turbo Charger (KSTC) upang masubukan kung gaano ito kaepektibo sa pagtitipid ng gasolina.
Ikinabit ang KSTC sa sasakyan ng Kalihim bilang bahagi ng pagsusuri na isinagawa.
Bukod sa Honda Accord ni Perez, kasama ring ipinasuri ang isang taxicab na Toyota Corolla model 1996, isang Ford XLT Expedition, Mazda Power van at Toyota Tamaraw FX na Asian Utility Vehicle (AUV).
Bilang bahagi nang pagsusuri, ang Honda Accord ni Perez ay pinatakbo nang mahigit sa 56 kilometro. Datiy komukunsumo ito ng 5.29 litro ng gasolina noong wala pang nakakabit ng KSTC, lumitaw na nakaubos lamang ito ng 3.67 litro ng gasolina at nakatipid ito ng 1.42 litro o 26.84% sa kabuuang konsumo. (Ulat ni Ellen Fernando)