Kasalukuyang nasa territorial sea na ng Papua New Guinea matapos mag-welga noong Agosto 29, 2004 ang mga mangingisda sa pamumuno ni boat Capt. Angelito Abastas at agawin ang mga barko ng RP Tuna Ventures, Inc., isang Philippine-owned tuna-canning company.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Atty. Bert Asuque, inatasan na ni DFA Sec. Alberto Romulo ang embahada ng Pilipinas sa Papua New Guinea na agad na tumungo sa Port Moresby sa nasabing bansa upang gawin ang lahat ng kanilang makakaya para maresolbahan ang naturang labor dispute sa pagitan ng mga mangingisdang Pinoy at kumpanyang RP Tuna Ventures.
Si Romulo ay kasama ni Pangulong Arroyo sa 3-day state visit sa China.
Sinabi ng DFA na posibleng batas ng manggagawa dito sa Pilipinas ang i-apply sa kaso ng mga Pinoy fishermen kaugnay sa employment-related grievances dahil Pinoy din ang nagmamay-ari ng nasabing kumpanya.
Pero, pinabulaanan ng DFA na may naganap na pangho-hostage sa nasabing insidente. (Ellen Fernando)