Footbridge sa EDSA/Muñoz delikado ?

Depektibo umano at aalog-alog ang P35.94 milyong ginawang footbridge sa EDSA/Muñoz ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH), maaaring mag-collapsed ang nasabing pedestrian overpass kung hindi ito ginawan ng paraan na lagyan ng braces. Napag-alaman na sinadya umanong pinturahan ng pink ang bahagi ng depekto upang hindi mahalata.

Ayon naman sa mga pedestrian, ang nasabing footbridge ay maalog at hindi pantay-pantay habang ang ilan naman ay manipis.

Upang maiwasan ang posibleng disgrasya ay hiniling ng mga cause-oriented groups na siyasatin ng Senado at Kamara ang nasabing overpass na tila hindi umano sinunod ang original na plano nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments