Nanguna sa listahan si US National Security Adviser Condoleeza Rice, sinundan ni Wu Yi, vice premier ng China; pangatlo si Sonia Gandhi, presidente ng Congress Party ng India; pang-4 si US First Lady Laura Bush at pang-5 si US Senator Hillary Clinton.
Ito ay para sa September issue ng Forbes na ilalabas sa Sept. 6, 2004 na nagtatampok sa 10 pangunahing babae sa 100 Most Powerful Women.
Ang Pangulo ay pang-4 rin sa makapangyarihang babae sa Asya na pinangunahan naman ni Wu Yi. (Ulat ni Lilia Tolentino)