Ito ang kauna-unahang panukalang batas na naisumite sa Senado sa Wikang Filipino.
Ayon kay Sen. Lapid, dapat ideklara ang Agosto bilang buwan ng Wikang Pambansa bilang pagkilala sa kapanganakan ng ama ng wikang Filipino na si dating Pangulong Manuel Quezon tuwing Agosto 19.
Inaatasan din ang lahat ng paaralan at pampublikong tanggapan na gumawa ng mga aktibidades sa buwang ito na lubos na kikilala sa ating wika.
Ang Komisyon ng Wikang Filipino ang mangunguna at mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga aktibidades tuwing Agosto ng bawat taon.
Sinabi ni Lapid na ang ating pambansang wika ay isang matibay na haligi ng salinlahi at mayamang kultura ng Pilipinas at ito ang magpapatibay ng pagkakaisa ng bansa na siyang magiging daan tungo sa kaunlaran. (Ulat ni Rudy Andal)