Ikinatuwiran ni Rep. Garcia sa kanyang House Bill No. 2326 na hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas ang Sampaguita dahil ito ay native ng India at Arabia samantalang ang Waling-waling ay mula mismo sa Pilipinas.
Naging national flower ng bansa ang Sampaguita dahil sa Executive Proclamation No. 652 ni Gov. Frank Murphy noong Pebrero 1, 1934.
Pero natuklasan ni Dr. Eduardo Quisumbing, National Museum director at Dr. Vicente Saplala, UP professor sa Los Baños, Laguna na mula sa banyagang bansa ang Sampaguita.
Ang Waling-waling ay isang uri ng orchid na may scientific name na Vanda Sanderiana at makikita sa Mount Apo, Davao at Zamboanga del Sur.
Kinilala rin aniya sa ibang bansa ang Waling-waling nang dalhin ito ni Frederick Sander noong 1982 sa mga taong mahihilig sa orchid sa London hanggang sa pinadami ito sa Singapore, Thailand, Hongkong at Hawaii.
Puwede aniyang makapagpasok sa bansa ng milyon-milyong dolyar ang nasabing bulaklak kapag ito ay ini-export. (Ulat ni Malou Rongalerios)