Ayon kay Sen. Estrada, ihahain niya ngayon ang Senate Bill 964 na mag-aamyenda sa Revised Penal Code na gawing kasong murder ang mga kasapi ng broadcast at print media media na pinaslang habang ginagampanan ang kanilang trabaho.
Sa ulat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), may 54 mediamen na ang napapaslang mula noong 1986 at wala ni isa man dito ang nalutas at nahuli ang salarin.
Sa Senate Bill 964, layunin nito na bigyang dadag na benepisyo ang mga mediamen kabilang dito ang pagbibigay tulong sa mga naulila ng biktima, dagdag na 50% sa regular na suweldo sa mga "on call" na journalist.
Kasama rin ang dagdag na overtime pay sa mga mamamahayag tuwing rest days o holidays at 10% night differentials mula sa regular na sahod sa mga naka-assign ng panggabi. (Ulat ni Rudy Andal)