Ayon kay Priscilla Caro, pangulo at tagapagsalita ng CAMDA, ang paglilipat ng issuance ng ARB sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) mula sa TESDA ay lalong magiging dahilan ng matinding korapsiyon sa hanay ng mga abusadong opisyal ng pamahalaan kung saan mas pahirap sa mga OPAs.
Binatikos din ng grupo ang planong pagbuwag sa mga training centers na anilay hindi naman nakakasagabal sa mga adhikain na mapanatili at mapaganda ang kalidad ng mga Filipino performing artists na ipinapadala sa ibang bansa kung saan magiging dahilan pa umano ito ng pagkawala ng global competitiveness. (Ulat ni Ellen Fernando)