Si Rep. Durano ang napipisil ng Malacañang na siyang papalit kay DOT Sec. Robert Pagdanganan na pumalit naman kay Gordon.
Ayon kay Gordon, dapat na pamunuan ng isang kuwalipikadong personalidad o kaya ay galing sa sektor ng turismo ang naturang ahensiya.
Sinabi ni Gordon na sakaling matuloy ang pag-upo ni Durano, lalabas na isa itong political accommodation dahil na rin sa tulong ng lalawigang sakop nito noong nakaraang eleksiyon.
Isa si Durano sa mga nagbigay ng malaking boto sa partido ni Pangulong Arroyo at mga kaalyado nito noong nakaraang halalan.
Nabatid na nagpaalam na ang mambabatas sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso ng mabalitang siya ang uupo sa DOT. (Ulat ni Rudy Andal)