Gracia Burnham balik-Pinas

Nasa bansa na si Gracia Burnham upang magbigay ng kanyang testimonya sa korte laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) at sa umano'y pakikipagsabwatan ng grupo sa ilang matataas na opisyal ng militar hinggil sa ransom.

Kamakalawa ng gabi dumating si Burnham kasama ang ilang mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI). Ang National Bureau of Investigation ang naatasan ng FBI na siyang mamahala sa seguridad ni Burnham habang ito’y nasa bansa.

Posible umanong tumagal lamang ng dalawa hanggang tatlong araw ang pananatili ni Burnham sa bansa. Si Burnham ay isa sa mga naging bihag ng ASG sa Dos Palmas sa Palawan noong May 27, 2001. Nailigtas ito ng militar, subalit ang asawa nitong si Martin at Pinay nurse na si Ediborah Yap ay namatay sa nasabing engkuwentro. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments