Ito ang ibinalita kahapon ni Speaker Jose de Venecia kaugnay sa kahilingan ni Pangulong Arroyo sa mga mambabatas na tumulong sa pagtupad ng kanyang mga programa.
Ayon kay de Venecia, aabot sa P15 hanggang P20 bilyon ang malilikom na pondo mula sa pork barrel ng mga mambabatas.
Mangangailangan aniya ang gobyerno ng P200 bilyon para maisakatuparan ang 10-point agenda ng Pangulo na inilatag niya sa kanyang inagurasyon.
Kaugnay nito, hinamon ni de Venecia ang 23 senador na ilaan rin ang ilang bahagi ng kanilang pork barrel para sa mga programa ng pamahalaan.
Kung papayag anya ang mga senador, hindi bababa sa P4.6 bilyon ang malilikom na pondo. (Ulat ni Malou Rongalerios)