Ito ang inihayag ng isang mataas na opisyal ng PNP na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Dahil dito, pigil hininga pa rin ang mga matataas na opisyal ng PNP lalo na ang mga sinasabing kandidato bilang PNP chief na papalit sa puwesto ni Ebdane na magreretiro naman sa Disyembre 30, 2004.
Sinasabi na dahil sa "revolving door policy" ng gobyerno ay maagang mamamaalam si Ebdane sa kanyang puwesto. Gayunman, sinabi ng source na posibleng gawing isang miyembro ng Gabinete ng Pangulo si Ebdane.
Kabilang sa mga "contenders" ay ang 2nd man ng PNP na ngayoy target umano ng black propaganda na si P/Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay, chief ng PNP Administration at hepe ng PNP-Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Force (AID-SOTF); P/Dep. Dir. Reynaldo Velasco, hepe ng PNP-Transnational Crimes at P/Dep. Dir. Virtus Gil, hepe ng PNP Operations.
Ang tatlong nabanggit na opisyal ay pawang malapit na ring magretiro at ilang buwan na lamang sa serbisyo kaya marami ang tutol na maluklok sila sa posisyon. (Ulat ni Joy Cantos)