Ito ang nilalaman ng 34-pahinang apela sa Court of Appeals ni Assistant Solicitor General Vida San Vicente sa kahilingang katigan ng appellate court ang ipinataw ng Pasig City Regional Trial Court (TRC) laban sa akusadong si Johnie Cuison, guro sa Wisdom Grade School na pag-aari ng pamilya nito.
Nabatid na ibinaba ng Pasig RTC Branch 59 ang hatol na 6-taong pagkakabilanggo noong Hunyo 17, 2003 laban kay Cuison na isinampa ng mag-asawang Rodrigo at Reycelyn Celedonio.
Sa rekord ng korte, dalawang ulit na binalibag ng makakapal na libro ang anak ng mag-asawang Celedonio na si Marjorie noong Set. 27, 1999.
Bukod dito, pinahiran pa ng chalk ang mukha niya, nilagyan ng chalk ang mga labi at ipinakain ang natirang chalk.
Ayon pa sa Solgen, hindi dapat panigan ng CA ang pagtanggi ng akusado sa nasabing reklamo bagkus ay paniwalaan ang detalyado at walang bahid na motibong akusasyon ng biktima kaya hinihingi nila ang mas mabigat na parusa laban kay Cuison. (Ulat ni Ludy Bermudo)