Base sa records, ang 10 ay mayroong mga kasong rape at mauunang bitayin si Celso Marfi na sinentensiyahan ng Batangas City Regional Trial Court dahilan sa 2 counts of rape. Sa Setyembre 3 ang itinakdang pagbitay kay Marfi mula sa dati nitong schedule na June 5, 2004 matapos itong mabigyan ng reprieve ni Pangulong Arroyo.
Kasunod nito si Roberto Palero na nasentensiyahan ng Camarines Regional Trial Court sa Setyembre 9, 2004 at susundan ni Filomeno Serrano na hinatulan ng Pasig RTC ng nasabi ring petsa.
Si Hilgem Nerio ay nakatakdang bitayin sa Setyembre 10, 2004 (Bacolod RTC); Rogelio Ombreso sa Setyembre 15, 2004 (Malaybalay City, Bukidnon RTC) at Jonel Manio (Macabebe, Pampanga RTC) ng nasabi ring araw.
Danilo Remudo at Alejandre delos Santos sa Setyembre 2, 2004 (Naga City RTC); Fidel Alborida sa Setyembre 22, 2004 (Calamba, Laguna RTC) at Salvador Miranda sa Setyembre 27, 2004 (Camarines Sur RTC). (lUlat ni Gemma Amargo)