Sinabi ni Sen. Ralph Recto, karapatan ng mga pasahero na malaman ang naging dahilan ng pagtataas ng pasahe ng MRT at hindi dapat ito biglaan na ginagawa kung saan ay 68 percent ang kanilang naging increase.
Ayon kay Sen. Recto, nagkalat sa loob ng tren at kanilang mga istasyon ang sari-saring mga advertisement ng ibat ibang produkto pero nakalimutan nilang maglagay ng abiso sa kanilang mga pasahero na magtataas sila ng pasahe. (Ulat ni Rudy Andal)