Patuloy na lumalakas ang bagyong Igme at itinuturing na itong isang "super typhoon." Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, si Igme ay may lakas na 100 kilometro bawat oras at inaasahan na bibilis pa ito ng 120 kilometro sa hilagang kanluran ng Aparri- Cagayan ngayong umaga at 110 kilometro naman ng silangan timog-silangan ng Basco, Batanes sa Huwebes at 250 kilometro naman sa silangan hilagang-silangan ng Basco, Batanes sa Biyernes.
Ang signal no. 3 ay nakataas sa Apayao, Cagayan, kabilang na ang Babuyan at Batanes Group of Islands.
Signal no. 2 sa Isabela, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Ilocos Provinces, Abra, Benguet, La Union at Pangasinan habang signal no. 1 sa Quirino, Nueva Vizcaya, Pampanga, Cavite, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Occidental Mindoro, Bataan, Lubang Island, Calamian Group of Islands at Metro Manila.
(Ulat ni Doris Franche)