Sa ginanap na digital video conference sa US Embassy sa Maynila kahapon, sinabi ni dating US Ambassador to Manila Francis Ricciardone na personal na ibinilin ni Bush na magkaroon ng high level delegation ang US sa pormal na inauguration ng Pangulo sa pagkapanalo nito sa nagdaang halalan.
Posibleng dalhin na ng mga US delegates ang congratulatory statement ni Bush sa pagdating ng mga ito na inaasahan sa Hunyo 25 kung saan posibleng iproklama ang Pangulo.
Ayon kay Ricciardone, iginagalang ng pamahalaang Amerika ang proseso ng demokrasya sa Pilipinas. (Ulat ni Ellen Fernando)