Dapat sanay noon pang 2002 naisagawa ang phase out ng naturang mga bus subalit nakiusap ang mga bus operator na ipagpaliban ito pansamantala.
Kahapon, sinabi ni Alexander Yague, pangulo ng PBOAP sa isang panayam, na aprub na sa kanila ang naturang hakbang dahil ito naman ang itinatakda ng batas.
Marami anyang bilang ng mga provincial buses ay mga bago na ang kanilang unit bunsod na rin ng ginagawang pagtalima ng mga miyembro ng PBOAP sa naturang kautusan.
Sinabi din nito na sa 32 malalaking bus companies na kasapi ng PBOAP, ang kanilang mga lumang bus na may edad 15 taon na ay hindi naman isasantabi na lamang, bagkus ito ay gagamitin na lamang sa short route.
Tanging mga bagong unit lamang ang kanilang isasalang sa mga major routes tulad ng mahahabang destinasyon mula Maynila patungong mga probinsiya at vice versa. (Ulat ni Angie dela Cruz)