Sinabi ni acting Justice Secretary Merceditas Gutierrez na kanya nang ipinag-utos ang masusing pag-aaral sa isyu upang madetermina kung walang lalabaging batas ang gobyerno.
Nais ni Gutierrez na makita kung dapat paboran ang pagpapatupad nito sa layuning maprotektahan ang karapatan, hindi lang sa bansa kundi ang mga mamamayan nito.
"We will study the matter because the DOJ is here not only for the government but for the greater interest of the people, "ani Gutierrez.
Sinabi ni Gutierrez na welcome na welcome sa DOJ ang anumang pormal na kahilingan para sa legal opinion na isasagawa ng kagawaran.
Magugunita na pabor si dating Justice Secretary Hernando Perez sa pagpapataw ng buwis sa text messaging dahilan sa magbibigay ito ng panibagong kita sa pamahalaan kung ipapataw ito.
Samantala, sinabi naman ng mga kontra sa "text tax" na magiging pabigat sa mga naghihirap na Pilipino ang panibagong buwis. (Ulat ni Gemma Amargo)