Ito ay sa kondisyon na si Pangulong Arroyo at ang kanyang running mate na si Sen. Noli de Castro ang opisyal na ipoproklama ng joint committee na nanalo sa nakaraang eleksiyon.
Nananatiling bakante ang nasabing posisyon mula nang magbitiw si Justice Secretary Simeon Datumanong upang kumandidato sa pagka-kongresista. Inokupahan ni Undersecretary Merceditas Gutierrez ang posisyon ngunit bilang acting secretary lamang.
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang sources sa administrasyon, inihahanda ang iba pang mga matataas na posisyon sa gobyerno bilang gantimpala sa mga supporters ni Arroyo lalo na ang mga naging agresibo sa pagtatanggol sa kanya laban sa mga akusasyon ng katiwalian at iba pang anomalya mula sa oposisyon.
Bago pa simulan ang pagbibilang ng resulta ng bilangan batay sa certificate of canvass (CoCs), naging mahigpit ang paghadlang ng mga senador at kongresista ng administrasyon na siyang nakararami sa 22 mga kagawad ng joint committee sa mga mungkahi at apela ng oposisyon na gawing transparent ang bilangan.