Binawi ng Comelec ang temporary restraining order (TRO) na inutos nito at sa oras na pirmahan ni 1st Division Presiding Commissioner Rufino Javier ang resolusyon ay opisyal nang ipoproklama si Padaca. Si Javier ay kasalukuyang "on-leave" at sa Lunes pa papasok. Nangako naman ito na agad pipirmahan ang resolusyon.
Pirmado na nina Commissioners Virgilio Garcillano at Ressureccion Borra ang resolusyon na kapwa pabor na iproklama si Padaca kasabay ng pag-amin na nagkamali lamang sila sa pagpapalabas ng TRO.
Inatasan na rin ng 1st Division ang Board of Canvassers ng Isabela na iproklama na si Padaca sa oras na makumpleto na ang lagda.
Matatandaang tinalo ni Padaca ang katunggaling si Faustino Dy subalit naghain ng demanda si Dy sa Comelec na nagpapa-disqualify kay Padaca sa akusasyong pananakot sa mga taga-Isabela sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan umano sa New Peoples Army kaya ito nanalo.
Nabigo naman si Dy na patunayan ito. (Ulat ni Ellen Fernando)