Inumpisahan nang kolektahin ng legal panel ng KNP ang mga ebidensiya ng pandaraya sa nakaraang eleksiyon, na kinabibilangan ng affidavit at dinoktor na election returns, upang maiharap sa joint committee na magsasagawa ng canvassing ng boto ng mga kandidato.
Umaasa ang legal group na kinabibilangan nina dating Comelec Chairman Harriet Demetriou, dating Immigration Commissioner Rufus Rodriguez at Atty. Avelino Cruz na maaaring mabura ang dalawang milyong botong nakuha ni Pangulong Arroyo kapag nakita na ang pandarayang ginawa ng administrasyon sa 25 lalawigan.
Pagtutuunan ng mga abugado ni FPJ ang returns mula sa Cebu, Iloilo at Pampanga kung saan umano nagkaroon ng malawakang dagdag-bawas pabor kay Mrs. Arroyo. (Ulat ni Rudy Andal)