Sa resolusyon na ipinalabas ng Comelec, ang anim na naturang kaso na pawang humihiling na idiskuwalipika ang Presidente sa Mayo 10 ay ibinasura sa kawalan ng merito.
Kabilang sa mga dinismis ay ang kasong isinampa ni KBL senatoral candidate Atty. Oliver Lozano kaugnay ng kontrobersiyal na Maynilad deal kung saan ay hindi na umano siningil ang Maynilad sa P8 bilyong utang nito sa gobyerno kapalit ng kanilang suporta na ibinunyag ni vice presidentiable Loren Legarda; ang P68 milyon pondo ng PAGCOR na ginamit umano ng Pangulo para sa kanyang pangangampanya na ibinunyag ni Bishop Oscar Cruz ng Catholic Bishops Conference of the Philippines; ang reklamo ukol sa government at campaign ads na isinampa ni Mike Planas; ang isyu ng road users tax na isinampa ni dating LTO chief Mariano Santiago; ang isyu ng graduation rites pre-message na isinampa naman ni senatoriable Olivia Bong Coo at ang kontrobersiyal na distribusyon ng PhilHealth cards na isinampa ng grupong Pro-Constitution.
Iaapela naman ng mga petisyoner ang naturang desisyon ng Comelec. (Ulat ni Ellen Fernando)