Kung sa March survey ay 34% si Pangulong Arroyo at 31% si Fernando Poe, Jr., sa poll survey nitong Abril 26-29 ay tumalon ang rating ng Pangulo sa 37%, samantalang si Poe ay nananatiling 31%.
Pumangatlo naman si Senador Panfilo Lacson, 11% at si Raul Roco ay bumaba sa 7% mula sa dating 12% noong Marso habang si Bro. Eddie Villanueva ay 5% mula sa dating 3%.
Labis na ikinalugod ng Malacañang ang resulta ng Pulse Asia survey at ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ito ay kumukumpirma lamang sa katotohanang ang Pangulo ay patuloy na umaani ng suporta habang nalalapit ang halalan.
Sa National Capital Region (NCR) ay nabawasan si GMA ng 2 puntos, pero nadagdagan naman ito sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa vice presidential race, si de Castro ay patuloy na namamayagpag sa pagtatala ng 9%lamang kay Sen. Loren Legarda.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, si de Castro ay 46% laban sa 37% ni Legarda. (Ulat ni Lilia Tolentino)