Kinilala ang mga nasakoteng terorista na sina Quirino Bandon at Arjie Sama.
Lumalabas sa ulat ng Western Police District (WPD), dakong alas-8 ng gabi ng maispatan ng mga pulis ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek na sakay ng isangTamaraw FX na may plakang TUC 695 at pag-aari ng isang Col. Benjamin Asuncion sa kahabaan ng Plaza Roma malapit sa Manila Cathedral at tanggapan ng Comelec.
Nang siyasatin ng pulisya ang loob ng sasakyan ay nakita ang ikinabit na bomba na may cellphone at ilang election paraphernalia at sample ballot ng isang nagngangalang Ben Saudi, na tumatakbong konsehal sa Taguig.
Ang naturang sasakyan ay pag-aari umano ng kapatid ni Saudi, subalit sa follow-up operation ng pulisya ay nabigo ang mga awtoridad na matagpuan ang una sa kanyang bahay sa Maharlika highway, Taguig.
Nabatid na si Saudi ay dating kumander ng Moro Islamic Liberation Front at isa ring bomb expert na nagsasanay sa ibang bansa.
Pinaniniwalaang planong pasabugin ng mga suspek ang tanggapan ng Comelec at kumukuha lamang ng tiyempo ng madakip ng mga awtoridad.
Nasamsam ang mga improvised explosive device na ginamitan ng 60mm mortar ammunition at isang cellphone na ginamitan ng detonating device. (Ulat nina Gemma Amargo at Joy Cantos)