Ayon kay Cauguiran, kasama na nila ang masa sa kanilang "Biyaheng Gloria" caravan na nagsimula sa Batanes at Tawi-Tawi noong Marso 27.
Kasalukuyang naglilibot ang Biyaheng Gloria sa Tarlac at Bicol, at inaasahang magkikita sa Manila sa Mayo 6 upang ipakita na aabot sa 3 milyon ang pirma ng mga tagasuporta ni Arroyo.
Nalibot na rin ng caravan ang Northern Luzon at buong Visayas at Mindanao upang makuha ang boto ng 40 pangunahing lalawigan na may 36 na milyong botante.
Sinabi ni Cauguiran na hindi nila inaasahan na ang masa ay buong puwersang susuporta kay GMA sa nalalapit na eleksiyon.
Ipinaliwanag ni Cauguiran na ang Biyaheng Gloria ay naglalayong ipakita sa publiko ang mga proyektong nagawa nito sa loob ng tatlong taon bukod pa sa mga plano nito sa susunod na anim na taon.
Maging ang balwarte ng iba pang presidential candidate tulad ni Fernando Poe Jr. ay sumama na sa Biyaheng Gloria dahil mas malaki ang kanilang pagkakataon na umunlad. (Ulat ni Lilia Tolentino)