Ayon kay Nocos, lahat naman ng reklamong inihahain sa Ombudsman ay kanilang inaaksiyunan at masusing pinag-aaralan upang maisampa sa Sandiganbayan kung makikitang may batayan ang reklamo.
Pormal na inireklamo sa Ombudsman ni Joselito de Jesus, isang concerned citizen ng Maynila ang pagkakaroon ni Lacuna ng isang mansiyon na nagkakahalaga umano ng P30 milyon at sports car.
Sa reklamo ni de Jesus na may petsang April 5, 2004, dapat imbestigahan ng Ombudsman ang unexplained wealth ni Lacuna upang malinawan kung paanong ang isang vice mayor na sumusuweldo lamang ng P35,000 kada buwan ay makapagpagawa ng mansiyon na nagkakahalaga umano ng P30 milyon at makabili ng sports car.
Bago umano niya iboboto si Lacuna na tumatakbo muling vice mayor ng Maynila ay dapat linawin muna kung paano siya nagkaroon ng mansiyon at sports car.
Ang Ombudsman ang tumatayong prosecutor sa Sandiganbayan para sa lahat ng mga kasong inihahain laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. (Ulat ni Malou Rongalerios)