Nilagdaan kahapon ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na may temang "Tanggol Guro sa Halalan 2004-A Teachers Defence Network" na ang pangunahing layunin ay magbigay ng libreng legal assistance sa mahigit na 150,000 mga pampublikong guro na inaasahang maglilingkod sa bayan sa Mayo 10.
Sa rekord ng mga nagdaang halalan, maraming mga guro ang umanoy nakaranas ng panghaharass, pananakot at pananakit buhat sa ilang mga grupong nais na guluhin at sirain ang malinis at mapayapang halalan.
Kinabibilangan ito ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), Public Attorneys Office (PAO), Philippine Asso. of Laws (PALs), Lawyers League for Liberty (Libertas) at Legal Officers Asso. of the Department of Education (LOADED). (Ulat ni Edwin Balasa)