Sinabi ni DOJ chief state prosecutor at Witness Protection Program chief Jovencito Zuno na dahil sa bigat ng partisipasyon ni Robot kaya dinisqualify ito ng pamahalaan upag maging testigo.
Sinabi ni Zuno na malinaw ang nakasaad sa rules of court na ang mga maaari lamang tumayong testigo na akusado ay iyong may pinakamahinang kinalaman sa isang krimen.
Bukod dito, isang capital offense o krimen na may katapat na parusang kamatayan ang nagawa ni Robot kaya wala itong puwang sa DOJ para papasukin sa WPP bilang isang saksi.
Alinsunod sa itinatadhana ng Revised Penal Code may parusang kamatayan ang mga kasong murder, kidnapping at serious illegal detention na mga kinasasangkutan naman ni Robot. (Ulat ni Gemma Amargo)