Sinabi ni Joson na ang pagtatayo ng tulay sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija ay naaantala dahil lamang sa "reckless politicking" na ginagawa umano ni Villareal.
Ang 144-linear meter na tulay na sinimulang itayo noong 1991 ay hindi pa rin natatapos at hindi alam kung makukumpleto ngayong taon dahil sa kagagawan ng naturang kongresista, ayon pa kay Joson.
"Panahon pa ni Cory, Ramos, Erap at ngayon ni Gloria pero di pa rin matapos-tapos yang tulay na yan," ani Joson sa mga taong dumalo sa paglulunsad ng tulay na hindi pa natatapos.
Ang tulay ay isang mahalagang ugnay sa agrarian reform community barangays ng Bagong Sikat at Sta. Isabel. Ito ay isang pet project ni Mayor Gloria Congco at ng pamahalaang panlalawigan
Sinisi ni Joson si Villareal dahil sa nangyaring suspensiyon ng bidding sa proyekto. (Malou Rongalerios)