US concern dapat lang - Barbers

Inihayag kahapon ni reelectionist Senator Robert Barbers na hindi dapat palakihin ang inisyung travel advisory ng Estados Unidos sa Pilipinas kasunod ng pagkakatakas ng may 53 bilanggo sa Basilan Provincial Jail na karamihan ay mga Abu Sayyaf.

"I think we should take the advice of the US Embassy if the reports were true, on a positive note instead of taking it negatively," ani Barbers, tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs.

Sinabi ni Barbers, dating kalihim ng DILG na ang banta ng terorismo ay tunay at ang pagiging maingat at mapagmanman laban sa panganib ay isang obligasyon ng estado na protektahan ang mamamayan.

Nilinaw ng Mindanao solon na ang pangunahing makikinabang sa matagumpay na operasyon sa pagtugis sa mga terorista ay ang mga mamamayan at hindi ang Amerika.

"I believe that the US government is just as concerned as us in the fight against terrorism. We have to address this problem on terrorism on a global perspective and I believe that we are successful in trying to neutralize the Abu Sayyaf," dagdag pa ni Barbers, pangunahing may-akda ng terror bill. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments