Pinamunuan ni Atty. Demaree Raval ng pro-Con ang pagsasampa ng disqualification case laban sa Pangulo sa Comelec.
Ayon kay Raval, nagsimula ang mga political ads o commercials ng Pangulo sa telebisyon noong Enero 5 hanggang Pebrero 9 subalit itinakda ng Comelec ang pagpapalabas ng political ads ng kandidatong pang-nasyunal na magsisimula noong Pebrero 10.
Una na ring nagsampa ang pro-Con ng kasong disqualificafion laban kay Pangulong Arroyo dahil sa paglabag umano sa Fair Election Act matapos na lumagpas umano ito sa air time ng kanyang political ads sa TV na dapat ay 160 minuto lamang.
Hiniling din ng mga pro-Con lawyers sa Comelec na idiskuwalipika ang Pangulo dahil sa umanoy walang pakundangang paggamit nito ng pondo ng bayan sa pamamagitan ng pagpapamudmod ng PhilHealth cards na sinuportahan ng kampo ng KNP at naghain ang mga ito ng motion to intervene sa Comelec. (Ulat ni Ellen Fernando)