Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Arroyo ang rekomendasyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Joey Lina na itaas sa P10 milyon ang dating P5 milyong reward.
Bukod sa P10M ay may hiwalay pang $5-M o tig-$1M bawat isa ang pabuyang inilaan naman ng pamahalaan ng Estados Unidos para sa ikadarakip ni Janjalani at apat pang top leaders ng ASG na sina Hamsiraji Salih, Radulan Sahiron, Abu Solaiman at Isnilon Hapilon na pawang sangkot sa pagdukot sa kanilang mamamayan na sina American missionary couple Gracia at Martin Burnham at ang pinugutan ng ulong si Peruvian American hostage Guillermo Sobero.
Sina Burnham at Sobero ay kabilang sa 20 kataong dinukot ng grupo ni Janjalani. Si Janjalani ay nagpapalipat-lipat ng taguan sa Basilan bago nagtungo sa Sulu at tumakas naman patungong Palimbang, Sultan Kudarat noong Hulyo 6, 2003 sa takot na masukol sa Balikatan o ang RP-US joint military exercises sa Western Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)