GMA magpapakulong dahil sa tubig

Handang magpakulong si Pangulong Arroyo sa isyu ng kontrobersiyal na transaksiyon ng Maynilad at pamahalaan kung ang kapalit nito ay pagkakaloob ng malinis na inuming tubig sa taong bayan.

Inihayag ito ng Pangulo sa inilunsad niyang Patubig ni Gloria sa La Huerta, Parañaque kahapon bilang paglilinaw sa anya’y kaliwa’t kanang mga kasong isinampa laban sa kanya hinggil sa tinaguriang "sweetheart deal’ ng gobyerno sa Maynilad na pag-aari ng pamilyang Lopez.

Inihayag din ng Pangulo na pabor siyang gawing malinaw sa publiko ang kasunduan para sa rehabilitasyon ng Maynilad na maglilipat ng mayoryang pag-aari ng kompanya ng tubig sa gobyerno. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments