Ang paghirang kay Reyes bilang bagong anti-smuggling czar sa bisa ng Executive Order 297 ay bunsod ng talamak na pamamayagpag ng mga bigtime smuggler sa bansa kung saan malaki ang nawawala sa buwis na dapat ay napupunta sa kaban ng bayan.
Nabatid kay NASTF spokesman Col. Danilo Servando na simula ngayong linggo ay puspusan na ang isasagawang pagsuyod sa mga bigtime smugglers na patuloy na namamayagpag sa bansa partikular sa NCR at iba pang lugar na bagsakan ng smuggled goods. Tututukan ng NASTF ang mga warehouse, container vans at illegal importations kung saan madalas ang malaking operasyon ng smuggling. (Ulat ni Joy Cantos)