Ayon sa ilang solons, malabo ang ilang terminong ginamit ni FPJ sa kanyang plataporma katulad ng "economic diplomacy", "invigorated role" sa paglaban ng terorismo at "depoliticized environment para sa energy sector.
Ayon kina Reps. Robert "Ace" Barbers at Oscar Rodriguez, dapat na linawin ni FPJ ang kanyang plataporma dahil marami na ang naguguluhan sa nilalaman nito.
Sinabi pa ng mga solon na dapat gawing simple ng mga taong nasa likod ng paggawa ng plataporma ang salitang ginamit upang hindi naman mahirapan si FPJ. Mas madali anilang masasabi ni Da King ang hindi na sisikatan ng araw ang terorismo" at "kapag puno na ang salop ng pamumulitika, dapat ng kalusin ito."
Sinabi ni Barbers na matagal naghintay ang mga supporters ni FPJ para sa paglalabas niya ng plataporma kaya dapat lamang na maintindihan ito at maipaliwanag ng mabuti. (Ulat ni Malou Rongalerios)