Ayon kay Percy Lapid, pangulo ng Association of Filipino Entertainers, hindi na nila matiis ang umanoy panggigipit na ginagawa ng Japanese Immigration sa maraming bilang ng Overseas Performing Artists (OPAs) na nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Sinabi ni Lapid, walang pakundangan ang ginagawa umanong pag-aresto sa mga OPA saka ginagawan ng walang katotohanang kaso hanggang sapilitang pinapadeport sa bansa ng walang due process.
Bukod sa mga club na pinaglilingkuran, nakakaranas din umano ngayon ng harassment ang mga OPA kapag silay nasa department store at iba pang amusement center.
Inihayag pa ni Lapid na kailangan na ng diplomatic intervention na dapat isagawa ngayon para sa kapakanan ng libu-libong OPA sa Japan na siyang malaking "factor" na pinagkukunan ng malaking pondo ng pamahalaan dahil sa kinikitang 'lapad' at dolyar. (Ulat ni Ellen Fernando)