Ito ang ibinunyag kahapon ng isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan matapos tambangan kamakalawa ng hapon ng mga hindi pa nakikilalang lalaki si Sato sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro.
Napikon umano ang NPA kay Sato dahil hindi nila napakinabangan ang salapi na ibinayad ng kongresista para malaya itong makapangampanya sa mga lugar na hawak ng mga rebeldeng grupo.
Sinabi pa ng source na hindi ito ang unang pagkakataon na tumalbog ang tseke na ibinayad umano ni Sato sa mga NPA kaya napilitan na ang Lucio de Guzman Command na isulong ang pananambang.
Pero sa isang panayam, itinanggi naman ng staff ni Sato ang akusasyon.
Sinabi nito na hintayin na lamang ang ipalalabas nilang press statement, pero hindi kailanman nagbayad ng PTC si Sato.
Maging si dating Occidental Mindoro Rep. Ricardo Quintos na ka-tiket ni Sato at kakandidato sa congressional election ay nagsabing hindi nagbabayad ng PTC ang congresswoman.
Nanindigan si Quintos sa naunang pahayag na si Occidental Mindoro Gov. Jose Villarosa ang nasa likod ng tangkang pagpatay kay Sato dahil ito ang makakalaban niya sa darating na May 10 national elections. (Ulat ni Malou Rongalerios)