Sa naturang dinner na inorganisa ng Gideon, isang grupo ng mga negosyante sa Makati City, inihayag ni Bro. Eddie ang kanyang malinaw, kongkreto at "genuine" na plataproma.
Naniniwala si Bro. Eddie na siya lang ang kuwalipikadong kandidato sa pagka-pangulo na makapagpapabago at magbabangon sa kahirapan sa bansa dahil sa taglay nito ang mga quality na wala sa ibang kandidato.
Nangako si Villanueva na kapag siya ang nanalo ay babangon ang Pilipinas tungo sa kaginhawahan sa pamamagitan ng programa nitong all-out war laban sa korapsyon at pagiging transparent ng kanyang gobyerno na siyang magiging daan upang maalis ang kahirapan. (Ulat ni Ellen Fernando)