Mula P3.40/kWh ay nasa P3.19/kWh na lamang ngayon ang singil ng Meralco sa kuryente. Inaasahang mananatili sa ganitong halaga ang presyo ng kuryente sa mga susunod na buwan.
"Bumaba ang presyo ng kuryente na kinukuha ng Meralco sa mga supplier tulad ng Napocor at mga IPP o Independent Power Procedures kaya naibaba rin namin ang singil namin sa aming mga customer," pahayag ni Elpi Cuna, vice pres. for corporate communications ng Meralco.
Sa GRAM ikinakarga ang mga pagbabago sa presyo ng kuryente mula sa mga power generators. Bagamat kasama ito sa bill ng Meralco, itoy pass-through charges lamang kung tawagin. Nangangahulugan na itoy para sa mga power generators tulad ng Napocor.