Economic team ni FPJ minaliit

Minaliit ng Malacañang ang bubuo ng economic team ni Fernando Poe, Jr. sakaling mahalal siya bilang presidente. Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, kahit gaano kahusay ang economic team, mas mabuti kung ang presidente mismo ang may magandang background. Sabi ni Bunye, malaking tulong ang mahuhusay na advisers pero mas maganda kung ang presidente ang may sapat na karanasan.

Ikinumpara ni Bunye sa boksing ang labanan na aniya, kahit gaano kagaling ang trainer pagdating sa loob ng arena, sariling diskarte na iyon ng boksingero. Ang punto ni Bunye, kailangang may sariling desisyon ang isang lider kapag dumating ang panahon ng kagipitan o krisis. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments