Ginawa ni Sen. Villar ang pahayag matapos itong mahalal na presidente ng NP kapalit ng nasawing si dating Vice President Salvador "Doy" Laurel.
Dahil sa pagkabagot na ng taumbayan sa traditional politician, sinabi ni Villar na itatayo nila ang bagong pulitika at magiging aktibo ang pangkaraniwang mamamayan sa halip na puro trapo.
Wika ni Villar, ang muling pagpapasigla sa NP ay ang pamamaraan ng miyembro nito upang maalala ang pagmamalasakit ni Doy.
"Hindi mabibigo ang huling habilin ni Doy Laurel. Bubuhayin nating muli ang Nacionalista Party. At higit nating palalakasin ito sa bisa ng pinag-isang katapatan at pagtataguyod sa diwa at simulain ng partido," dagdag pa ng senador.
Sinabi ni Celia Diaz-Laurel, ang biyuda ni Doy, ang isa sa mga huling habilin ng kanyang mister bago ito nasawi ay makitang muling sumigla ang NP.
Aniya, dahil sa track record ni Villar sa larangan ng pagnenegosyo at pulitika ay walang dahilan para hindi sumigla sa ilalim ng kanilang liderato ang NP. (Rudy Andal)