‘Wala ng atrasan’

BALANGA, Bataan - Siniguro kahapon ni KNP standard bearer Fernando Poe Jr. sa may 5,000 supporters na dumalo sa kanyang campaign rally sa Mariveles People’s Park na wala ng atrasan ang labang ito.

Sinabi ni FPJ sa taumbayan, anuman ang mangyari ay hindi na siya aatras sa laban kasabay ang paniniguro na"hindi na sisikatan ng araw" ang mga nasa Malacañang.

Habang sumisigaw ng "FPJ" ang crowd at nagsasalita ang action king ay binitiwan nito ang kanyang naging linya sa pelikula na "ang agilang ito" ay papunta na sa Palasyo ng Malacañang.

Magpapahinga ngayon mula sa pangangampanya ang grupo nina FPJ at Legarda upang ipagdiwang ng bawat isa sa kanilang pamilya ang Araw ng mga Puso.

Magpapatuloy ang campaign trail ng buong tiket ng KNP bukas na magsisimula sa Lingayen, Pangasinan at magtatapos sa isang malaking rally sa mismong bayan ni FPJ sa San Carlos City. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments